Announcements · June 12, 2026
Sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ating alalahanin ang kabayanihan at sakripisyo ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay upang makamtan ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
"Sa manlulupig, 'di ka pasisiil."
Sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ating alalahanin ang kabayanihan at sakripisyo ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay upang makamtan ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Paalala ito na ang kalayaan ay hindi lamang pamana ng ating mga bayani, kundi isang pananagutang dapat nating pangalagaan at isabuhay araw-araw.
Sa ating mga simpleng gawain sa pagiging tapat sa ating tungkulin, sa pagtindig para sa tama, sa paggalang sa kapwa, at sa sama-samang pagsisikap para sa ikauunlad ng ating komunidad at bayan naipapakita natin ang tunay na diwa ng kalayaan.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang patuloy nating mahalin, ipagtanggol, at paglingkuran ang ating bansa nang may pagkakaisa, malasakit, at pagmamalaki bilang mga Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas!